Globalpinoy Chamber of Small & Medium Enterprises

“We shall find expression and fulfillment for our Corporate Credo: 'OUR ASPIRATIONS AND DESIRE IS THE TOTAL DEVELOPMENT OF OUR NATION' and contribute to the efforts of helping our country regain its respectable rank among nations.”

Thursday, March 02, 2006

Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!


"Ano ang "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!"?

Maaring tingnan ang "Galing Ng Pinoy, Ipagmalaki!" sa dalawang perspektibo:

1. Sa isang personal na pananaw, ito ay ang paghanga at pagmamalaki sa talino at galing ng Pilipino. Makikita ito sa ating pagtangkilik sa mga produktong Pilipino at sa gawa, talino at tagumpay ng mga Pilipino sa larangan ng sining at kultura, science at technology, sa sports.

2. Sa mas malawak na pananaw, ang "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!" ay isang kilusan ng mga Pilipinong entrepreneurs upang isulong ang pagmamalasakit at pagtangkilik ng mga kapwa Pilipino sa mga produktong gawa at pagmamay-ari ng Pilipino upang sa gayo'y makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating bansa.

Ang kilusang ito ay walang kulay politikal at walang kinikilingang relihiyon o idelohiya.

Bakit nakikiisa ang Globalpinoy sa "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!"

Sapagkat alinsunod ito sa ating Corporate Credo. Kung tatangkilikin natin ang sariling atin, lalo na ang mga produktong gawa ng mga kompanyang Pilipino, makakatulong ito upang mas mabilis na umunlad ang ating ekonomiya.

Sa pag-unlad ng ekonomiya, mangangahulugan ito ng mas matagumpay na negosyong Pilipino, mas maraming trabaho, mas lumalaking kita, mas magandang bukas sa bansang Pilipinas.

Hindi ba't sa pag-unlad ng ekonomiya, kasamang aangat ang kabuhayan ng masang Pilipino at ang paglalim ng ating pagmamahal at pagmamalaki sa ating Inang Bayan? Ito ang sinasabi ng ating Corporate Credo.

Bakit kailangan ng isang kilusang tulad ng "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!"?

Sapagkat sa panahong ito ng globalisasyon, kailangan ng mga kompanyang Pilipino ang ating suporta. Malalaki at mayayaman ang mga kompanyang dayuhan. Maliliit lamang ang mga kompanyang Pilipino kung ihahambing sa kanila. Kung wala pang suportang makukuha sa sariling bayan ang mga Pilipinong kompanya, tiyak na tatalunin ito ng mga kompanyang dayuhan.


Pero kung magkakaisa tayo sa pagtangkilik sa produktong gawa ng mga kompanyang Pilipino, malaki ang ating laban. Dito rin sa sariling bayan mag-iipon ng lakas ang mga kompanyang Pilipino upang magtagumpay naman ang ating bansa.


Hindi ba't sa pag-unlad ng ekonomiya, kasamang aangat ang kabuhayan ng masang Pilipino at ang paglalim ng ating pagmamahal at pagmamalaki sa ating Inang Bayan? Ito ang sinasabi ng ating Corporate Credo.


Ayaw ba ng GLOBALPINOY o ng "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!" sa globalisasyon?

Hindi tayo tutol sa globalisasyon. Pinapasok nga natin ang mga oportunidad na dala ng globalisasyon (tulad ng pagpasok natin sa Indonesia, Vietnam, Middle East, atbp.).


Ang sinasabi lang natin, dapat may pagbabago rin sa ating pananaw bilang mga mamimiling Pilipino (Filipino consumers). Kung may suporta tayo sa mga produktong gawa ng kompanyang Pilipino, mas may laban tayo sa global competition.


Tingnan na la'ng natin ang South Korea. Bago pa man maging global brands ang Samsung, Hyundai, Daewoo, LG, o Kia, lubusang tinangkilik muna ang mga ito ng mga Korean consumers. Halimbawa na lang, kumuha muna ng lakas ang Samsung ang pinakamalaking technology company sa buong mundo at source of national pride ng mga Koreano.


Ibig bang sabihin nito, pikit mata na lang natin susuportahan ang produktong Pilipino kahit na mababa ang kalidad?


Hindi. Kapag sinabi nating "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!" , sinasabi nating world class ang Pinoy. Ibig sabihin, kailangang pantay o lampas pa tayo sa global standards. At marami namang kompanyang Pilipino ang kayang tumapat sa buong mundo.


Kaya ba ang logo o simbolo ng "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!" ay iasang bukas na palad?



Ang bukas na palad ay ang ating pagtataas ng kamay at pagsasabing: "Oo, kasama ako, kabahagi ako ng pagkilos upang suportahan at i-angat ang galing at talino ng Pilipino."


Pero nangangahulugan din ang bukas na palad ng "tatak ng Pinoy". Kumbaga, itinatak natin ang ating palad sa gawang Pinoy sapagkat ang palad ay simbolo na ang mga gawang Pinoy ay ginawa ng ating kamay, bunga ng ating pawis at pagod, pinagbuhusan ng ating talino at pagpupunyagi.


Ang pusong pumalit sa titik "o" sa salitang Pinoy ay sagisag ng ating pag-ibig sa ating bayan at mga kababayan.


Kulay pula ang bukas-palad sapagkat ang kulay na ito ang simbolo ng tapang at init ng isip at damdamin upang ang mga layunin ng kilusang "Galing ng Pinoy, Ipagmalaki!" ay mabugayang katuparan.


Ang GLOBALPINOY CHAMBER OF SMALL AND MEDIUM ENTERPRISES, INC. ay sumusuporta sa

1 Comments:

At 10:19 PM, Blogger faye said...

gud day po! i appreciate po ung pagkakaroon ng programang magsusulong ng ating mga produkto. Isa po akong college student and may project po kaming concept paper. Ang topic ko po ay "Pag-unlad ng lokal na produkto, pag-unlad ng ekonomiyang Pilipino". Interesado po ako sa topic kong 'to kaya lang i don't have enough knowlege or sources of infos about this. i hope you can help me. thank you and more power to the Filipino industry!!!!

 

Post a Comment

<< Home