The Model Pinoy (
Ulirang Pinoy)
By Ernesto Boydon The model Pinoy is one who loves God but is not fatalistic. He/she believes in a Divine and Supreme Being that governs his/her life but appreciates that God always desires what is best for him/her, but that it can only come into fruition by continuously bringing himself/herself to a higher level of spiritual communion with God.
Ang ulirang Pilipino ay may pagmamahal sa Diyos subali't hindi niya hinahayaang ang kanyang kinabukasan ay mapasalalay na lamang ng lubusan sa kanyang kapalaran. Siya ay naniniwala sa isang makapangyarihang Maykapal na pinamamahalaan ang kanyang buhay nguni't kinikilala din niya na laging hangad ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa kanya at ito ay maisasakatuparan lamang kung patuloy niyang dadalhin ang kanyang sarili sa pataas nang pataas na antas ng pakikipagtalastasan at pakikipagniig sa Diyos.The model Pinoy is one who has a deep sense of national pride. This reflects in the way that he/she conducts his/her life by always placing national interest and the welfare of the nation above his/her own personal interests. It also reflects in the way that he/she projects the image of our country to other people, specially to foreigners, by highlighting our strengths and avoiding making a mockery of our weaknesses.
Ang ulirang Pilipino ay may malalim na pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanyang pagiging Pilipino. Ito ay nakikita sa paglalagay niya sa kapakanan ng bansa at kabutihan ng bayan nang higit sa kanyang mga pansariling interes. Ito rin ay mababanaag sa kanyang pagbibigay ng magandang imahen ng bansa sa ibang tao, lalo na sa mga dayuhan, at sa pamamagitan ng pagpapalutang ng mga kalakasan ng ating lahi at pag-iwas sa pagkutya o kaya's maging daan ng pagkutya ng ating mga kahinaan.The model Pinoy is a person of integrity, who governs his/her life with strict moral and ethical discipline. He/she places a premium on honesty and always chooses the high moral ground in dealing with ethical dilemmas. He/she does not circumvent the laws of the land if it is against his moral precepts, even if the law allows him/her to do so.
Ang ulirang Pilipino ay isang taong may integridad at pinamamahalaan niya ang kanyang buhay ng may mahigpit na pagsunod sa disiplinang itinatalaga ng mataas na antas ng moralidad. Binibigyan niya ng mataas na pagpapahalaga ang katapatan at katotohanan at palagian niyang pinipili ang mataas na antas ng moralidad kapag siya ay nahaharap sa mga pagkakataong sumusubok sa kanyang pagpili sa pagitan ng tama at mali. Hindi siya gumagawa ng paraan upang iwasan ang pagpapatupad ng batas kung ito ay lumalabag sa kanyang prinsipiyo ng moralidad, kahit na sa mga pagkakataong ang batas mismo ang nagbibigay sa kanya ng kaparaanang gawin ito.The model Pinoy has a passion for excellence, shuns mediocrity and is constantly striving to improve his/her personal condition. He/she values education and pursues life-long learning. He/she is not content with just putting in a day's work but can be relied on to put in an extra mile when required by circumstances to do so.
Ang ulirang Pilipino ay may marubdob na pagnanasang magamit ang kanyang kakayahan sa pinakamagaling na paraan at patuloy niyang hinahangad na mapabuti ang kanyang kalagayan. Pinahahalagahan niya ang edukasyon at karunungan, at panghabang-buhay na paglilinang ng kaalaman. Hindi siya kontento na makapagbihay lamang ng isang araw na trabaho bagkus ay maasahan siyang mabigay ng karagdagang sikap kapag hinihingi ng pagkakataon.The model Pinoy has a social conscience. He/she does things for the good of society and not just for the good of the individual. He/she demonstrates respect in all his/her dealings with other people. He/she shows genuine concern and compassion for the plight of his/her neighbors and is always ready to act to help improve their condition.
Ang ulirang Pilipino ay may konsiyensiyang panlipunan. Ang kanyang kilos ay nakatuon sa ikabubuti ng mas nakararami at hindi sa kabutihan lamang ng isa o ng iilan. Nagpapakita siya ng paggalang sa kanyang pakikitungo sa ibang tao. Mayroon siyang tunay na pag-aalala at pakikiisa sa kalagayan ng kanyang kapwa at siya'y laging handa na kumilos para mapabuti ang kanilang kalagayan.The model Pinoy has a global perspective. He/she appreciates the realities of our "shrinking world" amidst the onslaught of globalization and learns to strike an appropriate balance between love of country and global cooperation.
Ang ulirang Pilipino ay may pang-mundong pananaw. Nauunawaan niya ang implikasyon ng mga makabagong teknolohiya at kalakaran ng mundo na nagpapamistulang "lumiliit ang mundo" sa harap ng nangyayaring globalisasyon at sinisikap niyang magkaroon ng tamang paninimbang sa pagitan ng pagmamahal sa bayan at pang-mundong kooperasyon.